Ang alpha at omega ay
nabubuo sa salitang ‘Kapangyarihan at Diyos, na kung sa English pa ay “God is
Power and Power is God.
Nandito tayo ngayon sa
numero dos ( No. 2 ) na tinatawag na HOLY SPIRIT. Ang makapangyarihang ispiritu
n gating AMA. Siya ay isang kaagapay; isang utusan na mabuti at isang
namamahala sa sangkatauhan na nilalang
ng AMA.
Ang tao, nang siya ay
isinilang sa mundong ito, ay sumasakanya ang isang spiritu na inutusan ng AMA
upang magbigay sa kanya ng malay at pag-iisip; kung ano pang mga bagay upang mabigyan ng kaisipan
na mabuti sa pagbuhat o pagdala sa kanyang sarili.
Nang ang tao ay isinilang sa daigdig,
siya ay pinatnubayan ng isang spiritu mula sa AMA. Ang taong isinilang sa
mundong ibabaw ay sumasakanya ang spiritu. Ang spiriting yaon ay nakapagbigay
ng magandang kaalaman; at ang spiriting yaon ay nanggaling sa ating Ama.
Nagpapatunay na an gating Ama ang
siyang nagsimula sa paggawa ng daigdig; subalit sabay sa kanya ang kanyang
kapangyarihan sa pangalan ng pagka-ama. Sa kanyang likuran o sa likod ng
kanyang sarili ay nagsusubaybay sa kanya ang yaong spiritu.
Minsan makikita natin ang malalakas at
mahinang hangin na humihimas-himas sa ating katawan; umihip ng malakas at ang
mga punong kahoy ay gumagalaw upang Makita lamang.
Iyon ang simoy ng hangin sa isang
makapangyarihan na spiritu. Ganyan ang ibig kung sabihin mga kapatid ko, na
hindi mabubuo ang samahan sa mga kaalaman kahit ano pang mga karunungan sa
mundo kung wala ang pangalawang katawan n gating Ama. Ang pangalawang katawan ng ating ama na
tumayo sa lahat ng spiritu, na ngayon ay pinaniniwalaan sa sangkatauhan –
makabuluhan
Nakikita ng dalawa kong mata na kahit
saang sulok ng mundo ay nandoon ang mga sabi-sabi sa pangalang spiritista.
Subalit hindi niyo iniisip… hidi natin naisip ang pangalang spiritu.
Aking ipapahayag ang layunin at
katuparan sa isang spiritu na inutusan ng ating Ama. Ang samahan ay hindi
mabubuo kung walang spiritu na inutusan ng Diyos. Ang ating Ama ay hindi
makikita, hindi mahihipo, subalit ang kanyang mga gawa ay ating masaksihan. Dahil
ang spiritu ay isa lamang utusan, hindi magagawa ang isang bagay kung hindi sa
pamamagitan ng ating Ama. Ibig sabihin na ang isang ispiritu ay napakalaking
kahalagahan sa iyong sarili para sa sangkatauhan, halimbawa ang relihiyong
Katoliko Romano, na nagging tagapamahala sa ngalang, Kristohanon, di ito
mabubuo kung walang spiritu.
Ang spiritu ay nagbibigay ng
diktasyon sa kanyang isipan at puso; at
ang isang tao ay gumagawa ng bagay na kahit hindi nya alam ang kanyang gagawin.
Kaya’t minsa’y sa isang pagtitipon ay may taong tatanggap sa yaong diktasyon.
Bagamat ang ating katawan ay hindi pa makakaya sa yaong spiritu dahil ang
spiritu ay isang kapangyarihan. Kaya’t minsan ang ating isipan ay di makagawa
ng kabutihan dahil mabigat ang kapangyarihan ng Diyos.
Minsan hindi sila makapagsabi na
matuwid; minsa’y makapagsabi rin ng mabuti kung ang spirito ay pumasok sa
katawan ng tao. May mga taong isinilang noon sa sinaunang panahon na mali ang
kanilang mga gawa o labag sa kautusan ng Diyos. Sa kadahilanan na hindi pa
matanggap ng tao ang kapangyarihan ng Diyos dahil ang tao ay hindi pa lubos.
Hindi mapantayan ang gawa ng gawa n gating Ama. Kayat malalaman natin o
mahatulan natin kung sino ang gumagawa ng mabuti at yaong di lumalabag sa
kagustuhan ng ating Ama ay siyang tunay na Diyos.
Tayong lahat ay pinili ng Diyos at
lahat ay maaaring papasukan ng banal na spiritu. Subalit kung hindi lubos ang
tao, at wala siyang mabuting gawa ay hindi siya makakasama sa kaharian ng ating Ama. Ano ba ang dapat gawain ng
isang tao na gumagamit sa pangalan ng ating Ama; kung ang Gawain natin ay labag
sa kalooban ng Diyos? Ang tao na hindi sumusunod sa mabuting gawa ay pupunta sa
palusak ng maruruming kaluluwa sa mundong ito. At ang tao na nagbago sa kanyang
sarili ay doon pupunta sa lugar ng mga malilinis ang pa-iisip na tao. Ang taong perpekto, ay tama
ang kanyang pagdarasal, tama ang kanyang pag-unawa ay kasama sa kaharian ng ating
Ama.
Tatlo at apat ang lugar na paglalagyan
ng mga tao dito sa daigdig. Ang apat na eksena na binabantayan at pinamahalaan
ng apat na tao na ngayo’y nandito sa aking mga kamay . Diyan natin makikita ang
apat na tagatanod sa apat na sulok ng daigdig ay nagpapalit-palitan ng
tanggapan upang suriin kong ano ang ating ginagawa dito sa daigdig.
Ang kapangyarihan ng Diyos
nagsusubaybay kasama ang spiritu, na palaging nandiyan sa tao, kailangang
nating bantayan. Dapat na tayong mga misyonaryo, at misyonarya, hindi dapat
magkompiyansa. Dahil nandiyan ang Diyos at spiritu sa inyong katawan.
Ito ang buhay ng tao. Huwag natin
isipin na ang tao ay isinilang sa mundo dahil sa kanyang kagustuhan lamang. Ang
totoo, kahit ngayong panahon na ang tao nagmula sa tao na katulad natin,
lutasin natin na hindi tayo magkamali kung ano tayo at napaano tayo. Kaya ang
layunin ko sa gabing ito sapagkat ngayon ang gabi ng mga spirituhanon, sinasabi
ko sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong lutasin kung ano ba talaga ang
kapangyarihan ng Diyos.
Ang tatlong uri ay nanggagaling sa
Ama, Ispiritu at Anak. Ating tuklasing maigi, ang tatlong uri ng kaharian ng Diyos. Iyan ang
ating pagaralan; malaki ang patnubay o kaligtasan sa mga taong susunod
at nakakaalam kung ano ang buhay, sa tatlong buhay n gating Ama.
Para sa akin, bilang isang tagapagturo
ay aking itong sinasabi sa inyo at ating tuklasin at kung matutuklas ninyo ito, ito’y ating
gagawin at inyong gagawin. Kung ang aking ginagawa ba ay labag sa inyong
kalooban.
Ikaw ay malayo na sa aking pagtuturo
at sa aking mga gawa, ngunit kung ang aking pagtuturo halimbawa ay mabuti at kayo
naman ay hindi sumusunod magkasingtulad din sa mga nangyari na ikaw at ako ay
magkalayo.
Kaya ang dahilan nagkatawang tao ang
Ama, at siya ay may tagapagsunod, na ang tagapagsunod niya ay hindi ninyo
makakalimutan, dahil gagawa siya ng kabutihan at gagawa rin siya ng masama.
Maraming kababalaghan ang kanyang ipapakita at mga gagawin na magsisilbing
gabay para sa atin. Subalit ang lahat ng ito, sapagkat ang kapangyarihan ay
nagmula sa ating Ama, ay dapat tayong magingat at paghandogan natin ang ating sarili at isipan kung ano ang
dapat nating gagawin para makapagserbisyo sa spiritu.
Sapagkat ang spiritu ay hindi darating
sa iyo upang magpagawa lamang ng mabuti, kundi may magsasabi rin na “Gumawa ka
ng labag sa kalooban ng Diyos”. At mayroon din mag sasabi na gawin mo ito,’ na
makapagbibigay ng mabuting bagay na sang
ayon sa kaalaman at kalooban ng Diyos.