Thursday, May 17, 2012

Ang Daigdig ng Tao Hango sa Mensahe ni Divine Master Sa Taong 1969




Ang daigdig ay ginawa ng Diyos para sa mga tao. Ang sanlibutan ay siyang buhay. Ang mundong ito na ating tinitirhan ay siya ring matatawag natin na ating buhay. Kung tayo ay mamamatay nandito parin tayo sa sanlibutan ngunit may pagkakaiba lang.
          Marami sa atin ang nagtatanong kung saan ba talaga nakatira an gating Diyos. Ang paniniwala ng iba ay sa langit. Ngunit saganang iba naman ay nandito lang sa daigdig ang Diyos. Subalit ni isa sa atin ay walang nakakabatid kung saan talaga nakatira ang Diyos.
          Narito ang isang halimbawa. Ako ngayon ay isang tao. Mayroon akong  dalawang sanga, itong aking kanang kamay at ang kaliwa. Kung pag-uusapan natin ang buhay ng tao, ang buhay ay ang Diyos. Sapagkat ako ay may buhay samakatuwid nandito sa akin ang Panginoon.
          Ngunit ano naman ang puno ng tao na siya ay may sanga pa mandin? Ito ang katawan. Kung tutuusin natin, kung nasaan ang sanga diyan naman umuusbong ang Diyos na anak. Ang pangalawa na sanga ay diyan naman nanggaling ang Diyos na Espirito. Ang ibig sabihin nito na ang DIVISION ng ating daigdig ay katulad din ng Spiritual Division na nandito sa PBMA. Kahit na sino, miembro man o hindi sa ating samahan ay iisa lamang – ang Diyos pala ay nasa ating mga tao.
          Siguro ang iba hindi naniniwala. Ngunit naiisip mo ba kung bakit minsan masasabi natin na bakit hindi natin makalimutan ang Diyos? Paano natin siya makalimutan na nasa atin siya Kung ikaw ay gagalaw ng mga gamit na hindi sa iyo ay malalaman ng Diyos ‘yan sapagkat siya ay nasa iyo. Kasama mo sa lahat ng oras at hindi natutulog.
          Mga kapatid, dapat nating malaman na ang Diyos ay narito lang pala sa atin. Ang buhay ay nasa atin. Ang kamatayan ay nasa atin. Ang lahat lahat ay nasa atin lang. Ngunit bakit ang mga siyentipiko ay hindi naniniwala sa Diyos? At ang masama pa diyan sapagkat iyong iba ay nag-iisip na sila na ang Diyos.
          Dito sa PBMA, ang itinuro ko sa inyo na ang Diyos ay nasa tao. Ngunit hindi ikaw na gumawa ng kabutihan o invento ang siya ng Diyos kundi “you are only guided by our Father Almighty”. Sumunod ka lang sa dikta ng ating Diyos sa pamamagitan ng iyong puso at isipan sapagkat nasabi ko na nasa katawan ng tao ang Maylikha.
          Nasaan pala ngayon ang Diyos sa ating katawan? Ang iyong puso ang siyang Diyos Ama. Diyan mo mararamdaman ang lahat. If you feel happy ang puso mo rin ay matutuwa. Kung malungkot ka naaapektohan din ang puso. Kung ano ang iisipin mo nanggaling din iyan sa puso. Magmula sa puso papuntang isipan. Hindi galling sa utak patungo sa puso.
          Noong 1967 may ginawa akong diagram tungkol sa buhay ng isang tao. Inihambing ko ito sa isang makina. Kinuha ko doon ang tinatawag na FIRING ORDER mula sa 4 na cylindros na makina. Ang Four-Cylinder-Machine ay may apat na piston na siyang gagalaw upang aandar ang makina. Kung ang isa sa apat ay hindi kikilos matatawag natin na ang makinang iyan ay sira na. Ganon din ang tao mga kapatid. Ano ang mga part eng tao na napakaimportante? Mata, ilong, tainga, at bibig.
          Kung magtanong tayo kung bakit ang Diyos ay nasa tao? Narito ang aking kasagutan: Ang tao ay hindi makapagsalita kung wala sa kanya ang Diyos. Ang ibig sabihin nito na may nasira na sangkap diyan sa iyong katawan. Katulad ng isang makina na hindi na kikilos ang kanyang isang piston, ito ay palyado na. Ganon din and tao. Siguro may nagawa siya’ng hindi maganda.
          Kung niloloko mo ang iyong kapwa iiwanan ka ng Diyos. Kung gagawa ka ng kasalanan sa batas ng Diyos at ng pamahalaan aalis ang Diyos Ama; aalis ang Diyos Espirito. There are two important things in our body: God the Father and God the spirit. Ito an gating puso at isipan.
          Kaya nararapat lang mga kapatid na ating mahalin ang PBMA. Ibalita natin ang magandang halimbawa ng ating samahan doon sa sangkatauhan na tayo ay kumikilala sa ating Panginoong Diyos na siyang makapangyarihan sa buong daigdig. Wala kayo rito kung wala ring Diyos. Wala rin ako kung wala pa ang Diyos. Wala kayo kung wala rin ako. At wala rin ako kung wala kayo. Ang ibig sabihin nito dahil pantay pantay tayo sa ating samahan magpakabait tayo upang hindi tayo iiwanan ng ating Diyos. Ang ating Diyos Ama ay mapapasaatin kung matutupad natin ang oras ng ating pananampalataya. Tinuturuan tayong magdasal ng alas 6:00 ng umaga, bago bumangon, bago bababa sa bahay, at bago matulog. At higit sa lahat, sinubukan ng Diyos ang iyong sincerity at faith sa kanya; kung tunay ang iyong paniniwala.

DIVINE MASTER’S MESSAGE:  Espiritu ng diyos

          Ang alpha at omega ay nabubuo sa salitang ‘Kapangyarihan at Diyos, na kung sa English pa ay “God is Power and Power is God.
          Nandito tayo ngayon sa numero dos ( No. 2 ) na tinatawag na HOLY SPIRIT. Ang makapangyarihang ispiritu n gating AMA. Siya ay isang kaagapay; isang utusan na mabuti at isang namamahala sa  sangkatauhan na nilalang ng AMA.
          Ang tao, nang siya ay isinilang sa mundong ito, ay sumasakanya ang isang spiritu na inutusan ng AMA upang magbigay sa kanya ng malay at pag-iisip; kung  ano pang mga bagay upang mabigyan ng kaisipan na mabuti sa pagbuhat o pagdala sa kanyang sarili.
Nang ang tao ay isinilang sa daigdig, siya ay pinatnubayan ng isang spiritu mula sa AMA. Ang taong isinilang sa mundong ibabaw ay sumasakanya ang spiritu. Ang spiriting yaon ay nakapagbigay ng magandang kaalaman; at ang spiriting yaon ay nanggaling sa ating Ama.
Nagpapatunay na ang ating Ama ang siyang nagsimula sa paggawa ng daigdig; subalit sabay sa kanya ang kanyang kapangyarihan sa pangalan ng pagka-ama. Sa kanyang likuran o sa likod ng kanyang sarili ay nagsusubaybay sa kanya ang yaong spiritu.
Minsan makikita natin ang malalakas at mahinang hangin na humihimas-himas sa ating katawan; umihip ng malakas at ang mga punong kahoy ay gumagalaw upang Makita lamang.
Iyon ang simoy ng hangin sa isang makapangyarihan na spiritu. Ganyan ang ibig kung sabihin mga kapatid ko, na hindi mabubuo ang samahan sa mga kaalaman kahit ano pang mga karunungan sa mundo kung wala ang pangalawang katawan n gating Ama.  Ang pangalawang katawan ng ating ama na tumayo sa lahat ng spiritu, na ngayon ay pinaniniwalaan sa sangkatauhan – makabuluhan
Nakikita ng dalawa kong mata na kahit saang sulok ng mundo ay nandoon ang mga sabi-sabi sa pangalang spiritista. Subalit hindi niyo iniisip… hidi natin naisip ang pangalang spiritu.
Aking ipapahayag ang layunin at katuparan sa isang spiritu na inutusan ng ating Ama. Ang samahan ay hindi mabubuo kung walang spiritu na inutusan ng Diyos. Ang ating Ama ay hindi makikita, hindi mahihipo, subalit ang kanyang mga gawa ay ating masaksihan. Dahil ang spiritu ay isa lamang utusan, hindi magagawa ang isang bagay kung hindi sa pamamagitan ng ating Ama. Ibig sabihin na ang isang ispiritu ay napakalaking kahalagahan sa iyong sarili para sa sangkatauhan, halimbawa ang relihiyong Katoliko Romano, na nagging tagapamahala sa ngalang, Kristohanon, di ito mabubuo kung walang spiritu.
Ang spiritu ay nagbibigay ng diktasyon  sa kanyang isipan at puso; at ang isang tao ay gumagawa ng bagay na kahit hindi nya alam ang kanyang gagawin. Kaya’t minsa’y sa isang pagtitipon ay may taong tatanggap sa yaong diktasyon. Bagamat ang ating katawan ay hindi pa makakaya sa yaong spiritu dahil ang spiritu ay isang kapangyarihan. Kaya’t minsan ang ating isipan ay di makagawa ng kabutihan dahil mabigat ang kapangyarihan ng Diyos.
Minsan hindi sila makapagsabi na matuwid; minsa’y makapagsabi rin ng mabuti kung ang spirito ay pumasok sa katawan ng tao. May mga taong isinilang noon sa sinaunang panahon na mali ang kanilang mga gawa o labag sa kautusan ng Diyos. Sa kadahilanan na hindi pa matanggap ng tao ang kapangyarihan ng Diyos dahil ang tao ay hindi pa lubos. Hindi mapantayan ang gawa ng gawa n gating Ama. Kayat malalaman natin o mahatulan natin kung sino ang gumagawa ng mabuti at yaong di lumalabag sa kagustuhan ng ating Ama ay siyang tunay na Diyos.
Tayong lahat ay pinili ng Diyos at lahat ay maaaring papasukan ng banal na spiritu. Subalit kung hindi lubos ang tao, at wala siyang mabuting gawa ay hindi siya makakasama sa kaharian  ng ating Ama. Ano ba ang dapat gawain ng isang tao na gumagamit sa pangalan ng ating Ama; kung ang Gawain natin ay labag sa kalooban ng Diyos? Ang tao na hindi sumusunod sa mabuting gawa ay pupunta sa palusak ng maruruming kaluluwa sa mundong ito. At ang tao na nagbago sa kanyang sarili ay doon pupunta sa lugar ng mga malilinis ang  pa-iisip na tao. Ang taong perpekto, ay tama ang kanyang pagdarasal, tama ang kanyang pag-unawa ay kasama sa kaharian ng ating Ama.
Tatlo at apat ang lugar na paglalagyan ng mga tao dito sa daigdig. Ang apat na eksena na binabantayan at pinamahalaan ng apat na tao na ngayo’y nandito sa aking mga kamay . Diyan natin makikita ang apat na tagatanod sa apat na sulok ng daigdig ay nagpapalit-palitan ng tanggapan upang suriin kong ano ang ating ginagawa dito sa daigdig.
Ang kapangyarihan ng Diyos nagsusubaybay kasama ang spiritu, na palaging nandiyan sa tao, kailangang nating bantayan. Dapat na tayong mga misyonaryo, at misyonarya, hindi dapat magkompiyansa. Dahil nandiyan ang Diyos at spiritu sa inyong katawan.
Ito ang buhay ng tao. Huwag natin isipin na ang tao ay isinilang sa mundo dahil sa kanyang kagustuhan lamang. Ang totoo, kahit ngayong panahon na ang tao nagmula sa tao na katulad natin, lutasin natin na hindi tayo magkamali kung ano tayo at napaano tayo. Kaya ang layunin ko sa gabing ito sapagkat ngayon ang gabi ng mga spirituhanon, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong lutasin kung ano ba talaga ang kapangyarihan ng Diyos.
Ang tatlong uri ay nanggagaling sa Ama, Ispiritu at Anak. Ating tuklasing maigi, ang tatlong uri ng  kaharian ng Diyos.  Iyan ang  ating pagaralan; malaki ang patnubay o kaligtasan sa mga taong susunod at nakakaalam kung ano ang buhay, sa tatlong buhay n gating Ama.
Para sa akin, bilang isang tagapagturo ay aking itong sinasabi sa inyo at ating tuklasin  at kung matutuklas ninyo ito, ito’y ating gagawin at inyong gagawin. Kung ang aking ginagawa ba ay labag sa inyong kalooban.
Ikaw ay malayo na sa aking pagtuturo at sa aking mga gawa, ngunit kung ang aking pagtuturo halimbawa ay mabuti at kayo naman ay hindi sumusunod magkasingtulad din sa mga nangyari na ikaw at ako ay magkalayo.
Kaya ang dahilan nagkatawang tao ang Ama, at siya ay may tagapagsunod, na ang tagapagsunod niya ay hindi ninyo makakalimutan, dahil gagawa siya ng kabutihan at gagawa rin siya ng masama. Maraming kababalaghan ang kanyang ipapakita at mga gagawin na magsisilbing gabay para sa atin. Subalit ang lahat ng ito, sapagkat ang kapangyarihan ay nagmula sa ating Ama, ay dapat tayong magingat at paghandogan  natin ang ating sarili at isipan kung ano ang dapat nating gagawin para makapagserbisyo sa spiritu.
Sapagkat ang spiritu ay hindi darating sa iyo upang magpagawa lamang ng mabuti, kundi may magsasabi rin na “Gumawa ka ng labag sa kalooban ng Diyos”. At mayroon din mag sasabi na gawin mo ito,’ na makapagbibigay ng mabuting  bagay na sang ayon sa kaalaman at kalooban ng Diyos.        

No comments:

Post a Comment